Rasyunal
Sa panahon ngayon mabilis umuunlad ang bansa. Mabilis nang
tumatakbo ang oras sapagkat masyado ng sagana ang mundo sa maraming pagbabago.
Mayroong maganda at masamang pagbabago ang ating bansa. Isa sa mga nakakuha ng
aming pansin ay ang masyadong pag-gamit ng mga Pilipino ng wikang Ingles. Ito
ay nakakaalarma na sapagkat ilan sa mga kabataan ay di na napapahalagahan ang
ating sariling wika. Ang iba pa dito ay Ingles na ang nagging basehang wika ,
madalas pa ay hindi na nila naiintindihan ang ilan sa mga matatalinghagang
salita. Sa ngayon ang mga nakatatanda ay hindi na masyadong naiintindihan ang
mga salita ng kabataan na nagdudulot ng kakulangan sa magandang kumunikasyon.
Ito ay dpat na nating bigyan ng pansin sapagkat unti unti ng naapektohan ang
atin bansa. Ito ay nag-dudulot ng di pagtankilik ng mga bagay na sariling atin.
Masasabing ligtas na tayo sa mga mananakop ngunit ang kanilang mga naiwang
kaugalian at paniniwala ay patuloy parin tayong sinasakop.
Mithiin
Nais naming ibahagi ang mga problemang nadudulot sa
isyu ng pagbibigay diin sa wikang Ingles kaysa sa ating sariling wika. Isa sa
mga nakakapaloob dito ay ang abusong paggamit ng mga tao sa wikang Ingles. Ang
masama naman para sa mga Pilipino ay ang patuloy sa paggamit ng wikang Ingles
ay nagreresulta sa pagtangkilik nila dito dahil ang ungali ng mga pilipino
ngayong henerasyon ay mga pasosyal. Ang patuloy na pagtangkilik ng mga pilino
sa wikang Ingles ay maaring mauwi sa kamangmangan sapagkat sa pagpaputloy
nilang gumamit ng ingles ay nawawalan na sila ng kaalaman sa wikang
kinagigisnan nila. Bukod dito maari rin itong makasira sa pagkakilanlan ng mga
Pilipino. Kaya dapat lang nating gamitin ang wikang Filipino
Layunin

“Walang permanente dito sa mundo kungdi ang pag-babago”. Yaan ang katagang
madalas na sinasabi ng mga tao dito sa mundo ngunit ang mga pagbabago ito ay
dapat nating gamintin sa pinakamagandang paraan. Isa sa mga pagbabagong
mapapansin ngayon ay ang ating pag-gamit ng wikang Ingles. Ito ay mabuti
sapagkat ito ay magandang paraan upang makipagusap at makipagkalakalan sa ibang
dayuhan. Ngunit ang pagamit nito ay dapat natin balansehen. Nais naming
ilathala sa ibang Pilipino na dapat nating ilugar ang pag-gamit ng Ingles. Nais
naming ipakita na mas makatututlong sa globalisasyon ang pagamit ng wikang
tagalog sa pakikipag usap sa ibang Pilipino sapagkat hindi lahat ng Pilipino ay
maalam mag Ingles ngunit lahat tayo ay alam ang wikang sarili satin. Ito rin ay
sumaslamin na tayong mga Pilipino ay pinapahalagahan ang sariling atin. Ito ay
isang mahgang elimento sa pag unlad sapagkat sino pa bang tatang killing sa
sariling atin kung hindi tayo ang susuporta. Naniniwala kami na dapat nating
ilugar ang pagamit ng ingles. Ang hindi marunong bumalik sa pinangalingan ay
walang paroroonan ito ay isa din sa mga katagang madalas nating binabangit
ngunit di naman natin ginagawa. Kung maibabalik lang nating ang ating paraan na
pakikipagusap siguradong mag kakaroon pa ng mag maganda pagunlad sapagkat ang
kumunikasyon ay nagpapakita sa mungdo nat tayong mga Pilipino ay nag-kakaisa
upang maiangat an gating bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento