Home

Ingles ba o Filipino?



           Bawat tao ay may kanya-kanyang pamumuhay; may sariling wika, kultura, tradisyon at pananaw sa buhay. Ang isang Pilipino ay kilala sa pagiging matatas sa pagsasalita ng sariling wika. Ang Pilipinas ay sinasabing mayaman sa wika. Sa katunayan mayroong 55 uri ng katutubong linguahe at 142 na dialekto na matatagpuan sa Pilipinas. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang dialekto ay hindi nagging hadlang sa kanilang komunikasyon sa isa’t isa na nakatutulong sa pag-unlad ng bansa.
 
         Subalit sa modernong panahon, Ingles na ang karaniwang ginagamit sa araw-araw na pamumuhay mapa paaralan, opisina, o kahit sa bahay man. Ito na ang paraang ng pakikisalamuha ng mga Pilipino sa iba. Madalas sa mga kabataan ngayon ay hindi na masyadong nabibigay halaga sa sa sariling wika. Sila ay unting unting nawawalan ng interes sa pag-aaral nito. Ilan sa mga kabataan ay hindi na alam ang ibang matatalinghagang salita, ang baybayin, at ang alibata.
 
            Masasabing sa panahon ngayon, ang ating bansa ay unti-unting umuunlad. Ang isang ebidensya na ang bansa ay umuunlad, ay pagtaas ng halaga ng piso laban sa dolyar. Nasasabing ang wika ay may malaking tulong sa pag-unlad ng ating bansa. Ang wika ay isa sa mga pinakamahalagang elemento sa pakikipagkalakalan. Ang wikang Filipino ang pinakamabisang paraan pakikipag-usap sa iba’t ibang parte ng bansa kung saan meroong iba’t ibang sanggunian. 

1 komento:

  1. Ako'y sumasangayon sa iyong adbokasiya. Dapat talaga nating alamin ang kahalagahan ng Wikang Filipino at Wikang Ingles.

    TumugonBurahin